Read Anywhere and on Any Device!

Subscribe to Read | $0.00

Join today and start reading your favorite books for Free!

Read Anywhere and on Any Device!

  • Download on iOS
  • Download on Android
  • Download on iOS

Pasalubong

Maria Rilkë Arguelles
4.60/5 (5 ratings)
Pagkamangha marahil ang unang wari ng mambabasa sa pakikipagniig nito sa unang aklat ng mga tula ni Maria Rilkë Arguelles—pagkamangha sa arok at saklaw ng kanyang panamdam, hiraya, at muwang; sa tatas at talas ng kanyang wika; at sa mura niyang gulang. Ngunit higit sa lahat, pagkamangha sa lawig ng kanyang pagbabahagi at mapagkaloob na tinig, sa bukas-palad na paglalaan at pagsasaalang-alang sa mga lingid at higit sa kanyang gagap, sa mga puwang at katahimikan, at sa pagpaparaya sa mga hindi pa ganap at napapangalanan. Gayundin, kapwa natin namamangha ang persona ng aklat habang inaaninag nito ang mga kababalaghan ng sarili, ang kakanyahan ng iba sa ako, ang hangganan ng katawan, ang masasalimuot nitong nasa at ugnayan sa iba, ang mga inaraw-araw na galaw at lunan, ang pananaig ng panahon at sandali, at ang kapangyarihan ng tinig ng nabubuong sarili (mabini ngunit mariin, tapat ngunit nakalingkis ang hiwaga). Matingkad ang pagsasalikop ng wika, pagkatha, kabatiran, at paghahawan ng sariling pagkakakilanlan sa proyektong ito, kung saan paghuhunos ang bawat tula at patotoo sa materyalidad ng danas. Kasabay ng pagsisikap unawain ang ilahas na katawan at pagsasatinig sa tagpi-tagping sariling nilikom mula sa sari-saring mga labí ang pagsisikap din ng makatang makipagdaop-palad sa likas at penomenolohikal na mundo. Magkatuwang ang yumi at dahas sa pagtutuos ni Arguelles sa iba't ibang hugis at antas ng ngayon at dito, pinupuspos ang lalawigan ng mga gunita at bokabularyo ng liwanag at lumbay, at muling binibihisan ng misteryo ang mga pamilyar at munti. Waring naaalimpungatan sa gitna ng dapithapon o madaling araw ang mambabasa mula sa panaginip, habang gising at mulat na mulat ang makata, itinatala ang mga hubog na kapwa napaparam at iiral pa lamang. Lubos akong nagpapasalamat sa dalang kaloob nitong butihing peregrino buhat sa kakayari niyang paglalakbay. Hindi magkukulang ang mga taludtod na itong tumbasan ang buong lugod nating pagsalubong sa kanya sa pagsapit niya at pansamantalang paghimpil muna rito.

— Cristian Tablazón
Format:
Paperback
Pages:
40 pages
Publication:
2022
Publisher:
Philippine High School for the Arts & Grana-PH Book Publishing
Edition:
Language:
fil
ISBN10:
9718504524
ISBN13:
9789718504529
kindle Asin: